Super Size Me (2004)
Patabaan!
Masarap kumain sa mga fast-food stores at para sa mga walang oras magluto, ang fast food ay mabilis at matipid (kung value meals na di lalagpas sa 35 pesos ang kakainin niyo).
Pero naisip niyo ba na masama ito sa ating kalusugan lalo na kung madalas ang pagkain natin ng mga ganito? Ito ang nais iparating ng documentary film, Super Size Me?
Ipinakita ng director na si Morgan Spurlock na marami sa United States ang tumataba at sinisisi ay si Ronald McDonald at ang kanyang Arch Empire. Para patunayan ang punto niya, nag-McDiet siya - almusal, tanghalian at hapunan sa McDonald's sa loob ng isang buwan. Kung ang large size ng softdrink sa kanila ay kabumbas ng Biggie size ng Wendy's dito, isipin niyo na lang kung gaano karami ang Super Size lalo na kung French fries.
Di nagkamali si Spurlock: pagkatapos ng 30 araw, 25 pounds ang dumagdag sa bigat niya, naging sakitin siya at palaging masama ang pakiramdam niya.
Interesante ang “experiment” ni Spurlock dahil sa mga sumusunod:
1. Sinasabi niya na maliit na bilang lang ng mga Amerikano ang maingat sa pangangatawan nila at mapagbantay sa kinakain nila dahil dumarami ang bilang ng mga matataba o obese lalo na sa mga kabataan.
2. Wala bang ibang na-inspire na i-verify ang punto ni Spurlock? Bakit di subukan ang ibang fast food stores gaya ng Kentucky Fried Chicken (KFC)? Yung balat pa lang, nakatataba pero yummy naman.
3. Di ba naisip ng direktor na ang ilang tabachoy na Kano ay baka malungkot ang buhay kaya ginagamit ang pagkain bilang anti-depressant?
4. Talaga bang walang self-control ang karamihan sa America pagdating sa kainan kaya nauso ang “quick and easy” methods. Isa sa “madaliang” solusyon sy ang gastric bypass surgery.
Si Spurlock ay di mapangaral at hindi rin sinasabihan ang nakanood ng Super na huwag kumain sa McDo. Nariyan ang freedom of choice. Sa mga Pinoy naman, di ako magugulat kung marami sa atin ay maaaliw sa pelikula dahil enjoy nating kumain.
At sa haba ng mga mall dito, maaaring pumaroo't pumarito upang mabawasan kahit paano ang mga malalaking tiyan pagkatapos kumain sa fast food.
Aaminin kong naka-relate ako sa pelikula (type ko ma-almusal sa Jollibee at inumin ang Mountain Dew imbes na gatas o kape) pero maging physically active lang at mako-control mo ang bigat mo kahit papaano.
Subukan sana ito ni Morgan Spurlock kung sakaling may balak siyang isunod sa Super Size Me.
(First published in Inquirer Libre on August 30, 2004)

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home